WPS | Duterte administration, hindi nagsasawalang-kibo sa militarisasyon ng China

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Koko Pimentel na kumikilos ang administrasyong Duterte at hindi nagsasawalang-kibo sa militarisasyon ng China sa West Philippine Sea.

Pahayag ito ni Pimentel kasunod ng survey ng Social Weather Station (SWS) na nagsasabing hindi tanggap ng 84-percent ng mga Pilipino na walang ginagawa ang gobyerno sa mga aktibidad ng China sa West Philippine Sea.

Paliwanag ni Pimentel, kahit umaaksyon ang pamahalaan ay bigo itong mapatigil ang militarisasyon ang China katulad din ng Amerika na kahit anong gawin ay bigo ding mapigilan ang China.


Diin ni Pimentel, kung ang United States ay nabigong mapahinto ang mga hakbang ng China ay mas lalong hindi ito kakayaning mapatigil ng Pilipinas.

Ayon kay Pimentel, ito ang dahilan kaya nagpasya ang Duterte administration na kaibiganin ang China sa halip na awayin.

Gusto rin naman kasi aniya ng China na makipagkaibigan sa atin.

Sa kabila ng pagkakaibigan ay binigyang diin ni Pimentel na hindi natin isinusuko ang ating pag-angkin sa ating mga teritoryo sa West Philippine Sea.

Facebook Comments