Manila, Philippines – Hihimayin ng Kamara ang Memorandum of Understanding on Oil and Gas Development sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.
Ayon kay House Foreign Relations Committee Chairman Feliciano Belmonte, iimbitahan nila sa pagdinig si Department of Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin para pagpaliwagin hingil sa MOU.
Aniya, mahalagang mahimay ang laman ng MOU dahil nakasaad rito ang interest ng bansa.
Sabi pa ni Belmonte, sinimulan na nilang pag-aralan ang mga nilalaman ng MOU.
Facebook Comments