WPS | Joint oil exploration deal ng Pilipinas, China – posibleng tumapos sa isyu ng 2 bansa

Posibleng ang planong joint exploration sa pagitan ng Pilipinas at China na ang magtuldok sa tensyon ng dalawang bansa sa isyu ng mga pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea.

Ito ang paniwala si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio kasabay ng pagsuportado sa kasunduan na nilagdaan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping.

Paliwanag ni Carpio, kapag nagkaroon ng joint exploration ay magkakaroon ng hatian sa anumang makukuhang langis o natural gas sa lugar.


Hindi makukuha ang China ng buo ang mga mina dahil hindi na nila maaangkin na kanila ang lugar dahil sa pagpayag na pumasok sa kasunduan sa bansa.

Sa pamamagitan ng contract-type agreement ay mistulang inamin ng China na hindi talaga nila pag-aari ang mga pinag-aagawang mga isla ayon pa sa opisyal.

Sinabi pa ni Carpio na ang pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang gumawa ng draft para sa kasunduan sa oil exploration.

Magugunitang si Carpio ay isa sa mga masigasig na nagsusulong ng karapatan ng bansa sa mga pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea.

Facebook Comments