WPS, kailangang proteksyunan para hindi maapektuhan ang ating food security

Iginiit ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee sa pamahalaan na iprayoridad ang pagbibigay proteksyon sa West Philippine Sea (WPS) upang hindi maapektuhan ang food security sa ating bansa.

Pahayag ito ni Lee, kasunod sa gitna ng patuloy na tensyon sa WPS kung saan muli na namang nagsagawa ng water cannon ang China Coast Guard (CCG) laban sa ating mga barko.

Paliwanag ni Lee, kailangang maproteksyunan ang ating ecosystem at malayang paglalayag sa WPS dahil ang pagtatakda ng limitasyon sa mga Pilipinong mangingisda at pagsira sa ating marine biosphere ay tiyak makakaapekto sa seguridad ng ating pagkain.


Ayon kay Lee, nakasalalay sa kakayahan nating protektahan ang WPS, ang buhay at hanapbuhay ng ating mga mangingisda.

Diin ni Lee, Pilipino lang ang dapat makinabang sa bahagi ng karagatan na sakop ng ating Exclusive Economic Zone (EEZ).

Facebook Comments