Wreath-laying, isinagawa sa monumento ni Gat Andres Bonifacio sa Cagayan de Oro

Isang simpleng wreath-laying ceremony ang isinagawa ng lokal na pamahalaan ng Cagayan de Oro sa ika-158th kaarawan ni Andres Bonifacio, ang kilalang ama ng Philippine revolution.

Ngayong araw, nag-alay ng bulaklak sa monumento ni Bonifacio ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Oscar Moreno.

Nag-alay rin ng bulaklak ang city council at ang tanggapan ni Vice Mayor Kikang Uy.


Sa mensahe ni Mayor Oscar Moreno, pinaintindi nito na noong panahon ni Bonifacio ang kahalagahan ng rebolusyon ay ang empowerment ng taumbayan, subalit sa bawat henerasyon, may mga pagsubok na kakaharapin.

Ayon sa alkalde, ang pagsubok na kinakaharap ng taumbayan ngayon ay ang virus na hindi malaman kung hanggang kailan, hindi nakikita at wala pang gamot hanggang sa kasalukuyan.

Panahon aniya ito na makilahok ang taumbayan na makawala sa pangamba na hatid ng COVID-19, sa pamamagitan ng paglahok sa National Vaccination Day.

Dagdag pa nito na importante ang pagpapabakuna para maprotektahan ang sarili at mga tao sa ating paligid.

Facebook Comments