Parañaque City – Bilang paggunita sa ika-35 anibersaryo ng pagkamatay ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr., nagdaos ng banal na misa sa puntod nito sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.
Pinangunahan ang misa ni Fr. Manoling Francisco kung saan dinaluhan ito ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino kanyang mga kapatid na sina Ballsy, Pinky at Viel.
Present din sa wreath laying ang mga dating mga gabinete nito na sina dating Agriculture Secretary Proseso Alcala, dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson, dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas, dating Defense Secretary Voltaire Gazmin at Senators Franklin Drilon at Antonio Trillanes.
Sa ambush interview sinabi ni PNoy na hindi na kailangan pa ng isa pang Ninoy para magsakripisyo sa bayan.
Matatandaan na si Ninoy ay binaril at pinatay noong Agosto 21, 1983 sa Tarmac ng dating Manila International Airport na ngayon ay Ninoy Aquino International Airport o NAIA na.