Wreckage ng bumagsak na chopper ng Philippine Air Force, nasa Cebu na para sa imbestigasyon

86

Nasa Technical Operations Wing-Central na ng Philippine Air Force sa Cebu ang wreckage ng MD-520 helicopter nito na nag-crash sa Bohol noong nakaraang linggo.

Iniimbestigahan na nila kung ano ang sanhi ng aksidente na ikinasawi ng piloto ng chopper na si Capt. Aurelios Olano.

Patuloy namang nagpapagaling sa ospital ang co-pilot nito na si 1Lt. Hillary Bunao at ang dalawang crew na sina A1C Rex Anapio at A1C Bonn Arsola.


Nagsasagawa ng proficiency flight ang military attack helicopter nang bumagsak ito sa baybaying sakop ng Getafe, Bohol.

Facebook Comments