
Bumulaga sa mundo ng sports entertainment ang pagpanaw si WWE Hall of Famer Terry Bollea o mas kilala bilang Hulk Hogan, sa edad na 71 dahil sa cardiac arrest.
Ayon sa ulat, isinugod si Hogan sa ospital matapos bumagsak sa kanyang bahay sa Florida.
Si Hogan ang naging mukha ng wrestling noong ‘80s at ‘90s, six-time WWF champ at bida sa WrestleMania I at WrestleMania III kontra kay André the Giant. Muling sumikat sa WCW bilang “Hollywood Hogan” at lider ng nWo faction.
Kilala sa kanyang “Leg Drop” finisher, red-and-yellow gear, at naging pop culture icon siya sa loob at labas ng ring.
Naglabas ng tribute ang WWE, habang bumuhos ang respeto mula sa kapwa wrestling legends gaya nina Ric Flair at Triple H.
Iniwan ni Hogan ang kanyang asawa at mga anak, at isang legasiyang hindi mabubura sa mundo ng pro wrestling.









