Binasura ng Supreme Court ang kahilingang special protective order o writ of amparo na inihain ng anak ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque.
Ayon kay Supreme Court Spokesperson Camille Ting, ang writ na hinihirit ni Roque ay hindi maaaring i-apply sa kanyang sitwasyon.
Aniya, ang sakop ng amparo ay limitado lamang sa extra-judicial killings at pagbabanta sa buhay.
Inatasan naman ng Korte Suprema ang House of Representatives joint quad partite committee na magsumite ng comment sa hiwalay na petition for prohibition sa loob ng sampung araw.
Si Roque ay kasama sa iniimbestigahan ng House quad committee dahil sa pagkakasangkot daw nito sa POGOs ng mga Tsino sa bansa.
Una na ring hiniling ni Roque sa Korte Suprema na pigilan nito ang Quad Comm sa pagpapa-aresto sa kanya.