Writ of Amparo ng KOJC laban kina PNP Chief Marbil at DILG Sec. Abalos walang epekto sa manhunt operation laban kay Quiboloy

Walang bearing ang isinampang kaso ng ilang kasapi ng Kingdom of Jesus Chirst laban sa mga opisyal ng pamahalaan hinggil sa isinasagawang paghahanap ng Philippine National Police (PNP) sa puganteng si Apollo Quiboloy at apat na iba pang kapwa akusado nito.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, wala pa namang iniisyung restraining order ang korte kaya tuloy pa rin ang gagawing operasyon ng mga pulis para maisilbi ang warrant of arrest laban kay Quiboloy at apat na iba pa.

Dagdag pa ni Fajardo, nirerespeto rin ng kapulisan ang karapatan ng KOJC na dumulog sa korte at handa naman itong sagutin ng mga opisyal ng PNP sa tamang venue.


Matatandaang naghain ng writ of amparo ang ilang miyembro ng KOJC sa Davao Regional Trial Court nitong nakaraang buwan laban sa mga opisyal ng PNP gayundin kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos upang itigil ang mga operasyon sa compound ng religious organization.

Facebook Comments