Writ of Amparo Petition ng kaanak ng mga biktima ng anti-drug operation, tatalakayin sa Supreme Court en banc session

Manila, Philippines – Tatalakayin ngayong araw sa En Banc Session ng Korte Suprema ang petition for the writ of amparo na inihain ng mga residente ng San Andres Bukid ,Maynila.

Ang petisyon ay inihain sa pangunguna ni Sister Ma. Juanita Dano ng Religious of the Good Shepherd at ng mga kaanak ng ilan sa mga napatay sa anti-drug operation ng Manila Police District.

Ang animnapung pahinang petisyon ay inihain sa pamamagitan ng Center for International Law o Center Law.


Kabilang sa respondents sa petisyon sina PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, Manila Police District Director Chief Supt. Joel Coronel, Supt. Olivia Sagaysay, MPD Station 6 Commander Supt. Jerry Corpuz, Dating MPD Station 6 Commander Roberto Domingo, at ilang tauhan ng MPD at Philippine Drug Enforcement Agency O PDEA.

Hinihiling ng mga petitioner na pigilan ng Korte Suprema ang MPD Station 6 sa pagsasagawa ng anti-illegal drugs operation nang walang koordinasyon at presensya ng mga opisyal ng barangay, ng PDEA at ng media.

Facebook Comments