WRONG SIGNAL? | Pagkalas sa Rome Statute, dapat irekonsidera ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Nanawagan si Senator Joel Villanueva kay Pangulong Rodrigo Duterte na irekonsidera ang pagkalas sa Rome Statute na siyang nagtatag sa International Criminal Court o ICC. Paliwanag ni Villanueva, posibleng magbigay ito ng wrong signal o maling mensahe sa international community kaugnay sa lagay ng politika sa Pilipinas. Para kay Villanueva, mas makabubuting harapin ni Pangulong Duterte ang proseso sa ICC. Si Pangulong Duterte ay ipinagharap ng reklamo sa ICC kaugnay sa tumataas na bilang ng namamatay sa bansa na may kaugnayan sa giyera kontra ilegal na droga ng administrasyon. Tiwala naman si Villanueva na walang itinatago ang gobyerno kaya ito kumalas sa Rome Statute.

Facebook Comments