WRONG TIMING | Pagtatayo ng casino sa Boracay, malaking pagkakamali ayon sa isang oposisyon

Manila, Philippines – Iginiit ni Magdalo Party List Representative Gary Alejano na isang malaking pagkakamali ang pagtatayo ng hotel casino sa Boracay.

Giit ni Alejano, tinututulan niya ang pagtatayo ng casino sa Boracay dahil hindi naman nito masosolusyunan ang environmental issues na kinakaharap ng isla.

Nangangamba ang kongresista dahil ang pagtatayo ng casino ay lilikha lamang ng mas maraming problema lalo na ang “carrying capacity” o ang kapasidad ng isla sa dami ng tao.


Ayon pa sa mambabatas, isang malaking pagkakamali kung maitatayo ito sa isla dahil taliwas ito sa ginagawa ngayon na clean-up drive sa Boracay.

Nagdududa din si Alejano sa timing ng pagtatayo ng casino dahil ito ay nataon sa pagsasara ng Boracay.

Payo ng kongresista, kung ang nais ng pamahalaan ay mapanatili na nasa top tourist destination ang Boracay, mas mainam na bigyang konsiderasyon ang pagsasaayos at pagpapaganda ng isla sa halip na paburan ang mga dayuhang negosyante.

Facebook Comments