Wrongful arrest, posibleng tumaas dahil sa Anti-Terror Bill ayon kay VP Robredo

Nagbabala si Vice President Leni Robredo na posibleng tumaas ang bilang ng wrongful arrest kasabay ng pagpasa ng Anti-Terrorism Bill.

Sa kanyang statement, tinanong ni Robredo kung sa terorismo lang ba nakatuon ang panukalang batas o layunin din ba nitong bigyan ng kapangyarihan ang estado para bansagang terorista sinuman ang kanilang gusto.

Giit ng Bise Presidente, mayroon lamang isang paragraph sa panukala na tumatalakay sa programa para mapigilan ang violent extremism.


Aniya, maraming probisyon sa panukala ang nakatutok sa kung sino ang pwedeng bansagang terorista at nabawasan ang “check and balance” laban sa maling pag-aresto.

Pangamba niya, maaaring gamitin ito para siilin ang karapatan na magpahayag ng saloobin.

Nananawagan ngayon si Robredo sa pamahalaan na ituon muna ang lahat ng efforts sa pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng lockdown at pagpapabuti ng health system capacity.

Facebook Comments