Wu Lei, malaki ang papel sa katatapos lang na laban ng China at Pilipinas

29

Malaki ang naiambag ni Wu Lei sa pagkapanalo ng kuponan ng China kontra sa Pilipinas sa katatapos lang na paghaharap ng dalawang bansa sa 2019 Asian Football Confederation.

Sa nasabing laro, nakapagtala si Lei ng dalawang goal.

Sa score na 0-3, nakamit ng China ang ikalawa nilang panalo sa group C, habang ang Azkals ay wala pang panalo sa dalawang laro nito.

Ginanap ang laban sa Mohammed Bid Zayid Stadium sa Abu Dhabi.

Susunod na makakaharap ng Azkals ang Kyrgyz Republic sa Miyerkules na gaganapin sa Rahid Stadium sa Dubai.

Facebook Comments