WWE superstar John Cena, inanunsiyo ang pagreretiro sa wrestling

Malapit nang matapos ang WWE career ni John Cena.

Ito ang inanunsiyo ng 16-time WWE Champion at isa sa pinakabigating wrestling star sa kasaysayan.

Sa kaniyang sorpresang pagpapakita sa Scotiabank Arena sa gitna ng Money in the Bank event, ipinakita ni Cena ang signature towel na nakasulat ang “The last time is now” na patungkol sa kaniyang iaanunsiyo.


Dito na niya sinabi ang pagreretiro sa WWE na agad ikinalungkot ng lahat ng manunuod hindi lamang ang mga nasa arena.

Pero paglilinaw ng WWE superstar, lalahok pa siya sa Royal Rumble 2025 at Elimination Chamber 2025.

Habang ang huling paglalaro niya sa ring ay ang WrestleMania 41 na gaganapin sa April 19-20, 2025 sa Las Vegas.

Nagpasalamat naman si Cena sa lahat ng mga sumusuporta sa kaniya.

Samantala, hindi pa tiyak kung maglalaro si Cena sa men’s Royal Rumble match.

Kilala rin si John Cena sa kaniyang catchphrase na “you can’t see me.”

Facebook Comments