Xander Ford, humingi ng paumanhin sa dating nobya matapos maaresto ng Manila Police District kagabi

Humingi na ng paumanhin ang social media personality na si Xander Ford o Marlou Arizala sa totoong buhay sa kanyang dating nobya na nagsampa ng reklamo laban sa kanya.

Ito ay kasunod ng pagkakaaresto kay Marlou nitong martes ng gabi na sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Manila Police District (MPD Station 2).

Ayon kay Marlou, hindi niya sinasaktang pisikal ang kaniyang dating kasintahan dahil malaki ang pagmamahal niya dito.


Nakiusap din ito na i-urong na ang kaso dahil tanging siya ang inaasahan ng kaniyang pamilya lalo’t palapit na ang pasko.

Si Marlou ay inaresto sa bisa ng arrest warrant na nag-ugat sa paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9262 o Violence Against Women and Children Act.

Tiniyak naman ng Management ni Marlou na sasagutin ang P18,000 na piyansa para sa kaso, ngunit nilinaw na hindi nila kukunsintihin si Arizala kung mapapatunayan ang paratang.

Facebook Comments