Xander Ford, ipinakilala na ang boyfriend matapos umaming bisexual

Ipinakilala na sa publiko ng social media personality na si Xander Ford ang kanyang boyfriend, ilang araw matapos aminin na siya ay isang bisexual.

Sa kanyang vlog, gumawa si Xander ng creative reveal kung saan nakamaskara ang kanyang boyfriend habang naka-upo silang dalawa at tinatanong ng mga kaibigan hinggil sa kanilang relasyon.

Matapos ang interview ay pinatanggal na rin niya ang maskara ng BF na tinawag niyag “my baby boy Jerick.”


Nakilala ang kanyang boyfriend niya na si Jerick Fernandez, at isa ring youtuber.

Nagkakilala ang dalawa noong 2018 sa social media, pero 2019 na sila nagkita nang personal na siyang simula naman ng paglalim ng kanilang pagkakaibigan.

Huling nakarelasyon ni Xander ay isang babae, kung saan naging kontrobersyal ito matapos siyang akusahan ng physical abuse at sexual assault, bagay na itinanggi ni Ford.

Facebook Comments