Nakapasok na sa Pilipinas ang Omicron subvariant XBB.1.16 o kilala rin sa tawag na “Arcturus.”
Ayon sa Department of Health (DOH), naitala ang kauna-unahang kaso nito sa Western Visayas batay sa pinakahuling genome sequencing mula April 12 hanggang 17.
Ang XBB.1.16 ay sublineage ng XBB na kamakailan lang ay isinama sa listahan ng ‘variants under monitoring’ ng World Health Organization (WHO) at ng European Center for Disease Prevention and Control noong Marso.
Ang India ang unang bansang naka-detect sa nasabing variant.
Kumakalat na rin ito sa 33 mga bansa sa mundo.
Facebook Comments