Ipinahayag ni President Xi Jinping na hindi naghahanap ng ‘sphere of influence’ ang China sa mga karatig nitong bansa sa Pasipiko.
Sinabi niya ito kay Charlot Salwai, Prime Minister ng Vanuatu sa Great Hall of the People sa Beijing, China nitong Mayo 28.
Pinaliwanag din na plano ng China ang makatulong ito sa mga bansang nasa Pasipiko at hindi ang sinasabi ng mga kritiko na ‘debt trap’.
Ayon pa kay Jinping, wala silang pribadong interest sa sinasabong ‘sphere of influence’ at sinabi ring maasahan ang China.
“Countries, no matter big or small, strong or weak, rich or poor, are equal members of the international community,” paliwanag ni Jinping.
Dagdag pa ni Jinping na mas pagtutuuan nila ng pansin na mas mapalalim ang agricultural technology sa pakikikoopera sa Vanuatu upang mahikayat na mag-invest ang mga Chinese company.