XI JINPING VISIT | Lungsod ng Maynila at tatlong barangay sa Taguig, #walangpasok

Manila, Philippines – Sinuspinde na rin ang pasok sa ilang lugar sa Metro Manila dahil sa nakatakdang pagbisita ni Chinese President Xi Jinping.

*Sa lunsod ng Maynila…* Inanunsyo ni Mayor Joseph Estrada na wala nang pasok sa lahat ng antas ng eskwelahan maging ang pasok sa mga opisina ng gobyerno sa buong lungsod.

Bukod kasi sa malacañan, inaasahang bibisitahin ni Pres. Xi ang Rizal monument sa Luneta.


*Sa lungsod ng Taguig…* kinansela na ni Mayor Lani Cayetano ang pasok sa Barangay Western Bicutan, Fort Bonifacio, at pinagsama sa lahat ng antas at maging ang mga opisina ng gobyerno na sakop ng tatlong barangay.

Suspendido rin ang pasok sa Taguig City Satellite Office sa SM Aura tower kaya pinapayuhan ang publiko na sa munisipyo ng taguig sa barangay tuktukan gawin ang transaksyon

Samantala, nagdeklara na ang De La Salle University (DLSU) – Bonifacio Global City Campus ng walang pasok maging sa kanilang opisina.

Facebook Comments