Xian Gaza, nakatanggap ng indecent proposal

Nakatanggap ang viral billboard suitor na si Xian Gaza ng isang indecent proposal pagkalabas niya sa bilangguan.
Nitong Huwebes, April 19, 2018, ipinakita ni Xian sa kanyang Facebook page ang pag-aalok ng isang netizen sakanya ng pera na nanghihingi ng kapalit.
Base sa screenshots na pinost ni Xian, makikita ang pag-alok sakanya ng ten thousand pesos ng isang netizen na tinawag niyang “Madam”, kapalit ang pagpunta niya sa bahay nito.
Agad naman itong tinanggihan ni Xian kung saan sinagot niya lamang ito ng “NYEAM.”
Pabirong nag post naman si Xian sa kanyang Facebook page na “”NEED NA NEED KO NG KWARTA NGAYON GUYS, G NA BA KO KAY NANAY?! HAHAHAHAHA! YUCKS! LOL”
Noong April 12, sumuko si Xian sa Malabon Police Station, matapos niyang lumabag Batas Pambansa (BP) 22 o ang Anti-Bouncing Checks Law.
Biktima diumano ni Xian sa isang investment scam sina Jaime Asuncion at Melinda Cruz. April 14 naman nang makapag-post siya ng bail bond sa halagang P126,000.

Facebook Comments