Sugatan ang isang indibidwal matapos ang nangyaring banggaan ng sasakyan ng Philippine Coast Guard (PCG) at isang van sa Port Area Manila.
Naganap ang insidente sa may bahagi ng 25th Street kung saan sa lakas ng impact ay tumagilid ang pick-up ng PCG.
Nabatid na apat ang sakay ng PCG at isa mga ito ay sugatan na kasalukuyang nananatili sa hospital.
Nasa maayos naman na kalagayan ang iba maging ang driver ng itim na van na may plakang NDP-3772.
Lumalabas sa paunang imbestigasyon na nanggaling sa headquarters ng PCG ang kanilang sasakyan kung saan nakabanggam nito ang van na nagmula naman sa Railroad Street.
Hindi pa malinaw kung sino ang may kasalanan sa nasabing insidente kaya’t patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.
Facebook Comments