5.2 magnitude na lindol, tumama sa Sarangani at Davao Occidental

Niyanig ng 5.2 magnitude na lindol ang Sarangani at Davao Occidental kaninang 5:26 ng umaga ayon sa bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOCS).

Naitala ang epicenter nito sa 296 km katubigang bahaging timog ng Sarangani Island at Davao Occidental at may lalim na 10 km.

Sa pangalawang bulletin na nilabas ng PHIVOLCS, naitala ang 4.9 na lindol sa 185 km timog ng Jose Abad Santos sa Davao Occidental at may lalim na 44 km.


Wala namang naitalang intensity sa iba pang karatig lugar at wala ring aasahan na pinsala.

Facebook Comments