Cauayan City, Isabela- Dismayado si Ginang Relissa Santos Lucena, isang magulang at founder ng ‘Yakap ng Magulang Movement’ dahil umano sa paghikayat sa noo’y menor de edad nitong anak ng mga miyembro ng grupong Anakbayan at Girls for Peace na sinasabing front organization ng CPP-NPA-NDF.
Isa lamang ang kanyang anak na si alyas ‘Alicia’ ang hinikayat umanong sumapi sa grupo ng Anakbayan mula sa isang kilalang unibersidad kung saan 16-anyos pa lang ito noon at Grade 11 Senior High School.
Ikinuwento rin ng Ginang na pwersahan umanong pinahinto sa pag-aaral ang kanyang anak pagtungtong ng edad 17 sa kadahilanang kailangang ikampanya ang Kabataan Partylist at si Neri Colmenares.
Nahimok rin umano ang kanyang anak na paglingkuran ang publiko na itinuro umano sa kanya hanggang sa maging ganap itong full-time activist terrorist.
Kwento pa niya, paano umano siya mabubuhay ng payapa kung ang kanyang anak ay ginagamit ng mga prenteng grupo sa kasamaan.
Matagal na panahon umanong nawalay ang kanyang anak sa murang edad na umabot sa mahigit dalawang (2) taon gamit ang ibang pangalan.
Hindi umano kayang tiisin ng Ginang ang kanyang anak kahit saktan ito ng paulit-ulit at hinding hindi umano niya matitiis na makitang naghihirap ito.
Panawagan nito na tigilan na ang ginagawang pangha-harass sa kanyang pamilya.
Hinimok ni Lucena ang kapwa niya mga magulang na sama-samang kumilos para maiwasan ang panghihikayat ng mga grupong naisa sirain ang buhay ng isang bata.