Manila, Philippines – Hinikayat ng 2018 Banaue International Music Composition Competition sa lahat ng mga composer sa buong bansa at buong mundo na lumikha ng nakakaengganyong gawa ng Banaue.
Ito ang kauna unahang kumpetisyon na gaganapin sa Pilipinas na mayroong gantimpala na umaabot ng 12 libong dolyar ang Grand price at tig-anim na libong dolyar na consolation prizes bawat isa na napakahalagang okasyon upang mamulat ang kamalayan ng mga mapipiling kalahok sa probinsiya ng Banaue.
Dalawampung piniling composer-fellows ang kabilang sa Banaue Immersion program kung saan sampu lamang ang mapipili sa finalist upang mag-perform sa final night na gaganapin sa July 18 taong kasalukuyan.
Ang naturang kumpetisyon ay may kaugnayan sa Banaue Rice Terraces Restoration Project ng Universal Harvester Incorporated na pinamumunuan ni Dr. Milagros How.