Mariing tinututulan ng Malacañang ang paggamit sa rattan stick o yantok bilang pamalo sa mga taong ayaw sumunod sa physical distancing.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang yantok ay gagamitin lamang para sukatin ang ligtas na distansya sa pagitan ng mga tao at hindi panghataw.
Sumang-ayon si Roque kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin na kontra sa ilang law enforcers na nagbabantang gagamitin ang yantok para paluin ang mga pasaway sa health protocols.
Una nang nilinaw ni Joint Task Force COVID-19 Shield Commander, Lieutenant General Cesar Binag na maaaring gamitin ng mga awtoridad ang yantok bilang self-defense sakaling atakehin sila ng mga kriminal.
Facebook Comments