Yasay, isinugod sa ospital

267

Idinala sa ospital kagabi si dating Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay kasunod ng kanyang pagkaka-aresto dahil sa paglabag sa banking laws.

Sa ulat, nahirapan sa paghinga si Yasay at nakaranas ng pananakit ng dibdib.


Dito na lumabas na sumipa ang blood pressure nito ng 160-over-100.

Hindi na idinetalye pa ng Manila Police District (MPD) kung saang ospital isinugod ang dating kalihim.

Sakaling nabigyan ng clearance mula sa doctor, idadala ito sa Custodial and Detention Section ng MPD.

Tiniyak ng MPD na walang special treatment para kay Yasay.

Facebook Comments

From Advertisers