Yasay, pinagbibitiw na sa pwesto

Manila, Philippines – Hinamon na ng ilang kongresista na magbitiw na sa pwesto si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay matapos na mapatunayang ito ay isang Amerikano.
 
Giit ni OFW Party list Rep. John Bertiz, hindi na dapat hintayin ni Yasay na mapatalsik ito sa pwesto ng Commission on Appointments o masampahan pa ng kaso.
 
Ani Bertiz, ang asawa ni Yasay na si dating Population Commission Executive Director Cecile Joaquin at ang kanilang 3 anak ay pawang mga US citizen habang nito lamang 2016 tinalikuran ni Yasay ang kanyang pagiging US citizen.
 
Paliwanag ni Bertiz, hindi ibig sabihin na ni-renounced ni Yasay ang kanyang American citizenship ay otomatikong Filipino citizen na ito dahil kailangan pa itong aplayan at may proseso pa itong dadaanan.
 
Kung may delicadeza si Yasay ay dapat magresign na ito habang maaga.
 
Sinabi naman ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe, Dagdag kahihiyan si Yasay sa mata ng international community na hindi naman pala Pilipino pero kumakatawan sa Pilipinas sa foreign relations.

 

Facebook Comments