Ilang maritime incident ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) sa kasagsagan ng hagupit ng Bagyong Quinta.
Kaninang madaling araw nang lumubog ang yate na Ocean Explorer III sa bahagi ng Bauan, Batangas.
Nasagip na ng PCG ang pito sa mga sakay nito habang isa pa ang nawawala.
Isang super shuttle RO-RO rin ang sumadsad sa Bonito Island, ligtas naman ang limang crew nito.
Samantala sa monitoring ng PCG kaninang alas-4:00 ng madaling araw, umabot na sa 1,839 stakeholders ang stranded ngayon sa mga pantalan sa Southern Tagalog, Bicol Region at Visayas dahil sa bagyong Quinta.
Stranded din ang nasa 929 rolling cargoes, 44 vessels, 14 motorbancas.
Habang nakahimpil at nagpapahupa pa ng masungit na panahon sa mga pantalan ang 125 vessels at 58 motorbancas.