Yayo Aguila, tinawanan lang ang pagtawag sa kanya bilang bagong “laplap queen”

Tinawanan lang ng batikang aktres na si Yayo Aguila ang mga memes na inilipat na raw ni Angel Aquino ang kanyang korona kay Yayo bilang bagong “laplap” queen.

Ito ay matapos na magtrending sa social media ang torrid kissing scene ni Yayo at indie film actor na si Royce Cabrera sa isang pelikula sa Cinemalaya.

Dahil rito, maraming beki ang super inggit daw sa kanya ngayon at yung iba ay nagmessage pa sa kanya para lang humingi ng payo at maging “how to be you” raw.


Say ni Yayo, natutuwa na natatawa sa bagong bansag sa kanya ngayon dahil sa nasabing pelikula na inilarawan niya bilang “savage” at “legendary.”

Hindi raw makuhang magalit ni Yayo sa mga memes at wala siyang pinagsisisihan dahil totoo naman ginawa niya ang eksenang iyon.

Mahal daw niya ang kanyang trabaho kaya anumang task na ipapagawa ng director ay kanya raw gagawin.

Facebook Comments