Year-end bonus at cash gift, nakatakdang ilabas ng DepEd

Nakatakdang ilabas ng Department of Education (DepEd) ang year-end bonus sa kanilang mga tauhan na katumbas ng isang buwang sahod at ₱5,000 cash gift.

Ito ay inanunsyo ng kagawaran kasabay ng paglalabas ng pondo para sa emergency loans para sa mga DepEd personnel na naapektuhan ng mga serye ng bagyong tumama sa bansa.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, pabibilisin na nila ang proseso ng mga benepisyo ng kanilang mga staff at gagawing maayos ang koordinasyon sa mga kaukulang ahensya.


Dagdag pa ng kalihim, patuloy na bumubuhos ang voluntary contributions mula sa mga officials at staff ng central office at regional at division officers para tulungan ang mga kababayang makabangon mula sa mga kalamidad.

Inatasan na rin ni Briones ang mga field offices na magpasa ng listahan ng mga guro at school personnel na naapektuhan ng bagyo at pagbaha.

Facebook Comments