Year-end bonus at cash gift ng mga kwalipikadong empleyado ng gobyerno, matatangap ngayong araw

Makukuha na ng mga kwalipikadong empleyado ng gobyerno ang kanilang yearend bonus at cash gift ngayong araw, November 15 na nagkakahalaga ng kabuuang ₱69.4 bilyon.

Ito ang inanunsyo ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman.

Ayon sa kalihim, ang pagbibigay ng yearend bonus at cash gift ay appreciation para sa government workers dahil sa kanilang pagtatrabaho para sa publiko.


Direktiba aniya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tiyaking lahat ng kwalipikadong government workers ay makatatanggap ng token na ito dahil sa tulong na ibinigay para sa muling pagpapasigla ng ekonomiya.

Batay sa item, 6.1 DBM Budget Circular ang year-end bonus ay equivalent sa isang buwang basic pay hanggang nitong October 31.

May ₱5,000 rin na cash gift na ibibigay sa kwalipikadong goverment worker.

Ang public servants naman na umabot pa lamang sa apat na buwan ang pagseserbisyo o mula January 1 hanggang October 31 nang kasalukuyang taon ay makakatanggap rin ng yearend bonus at cash gift.

Sa national government agencies, naglaan ang DBM ng ₱45.3 billion para sa yearend bonus ng mga civilian personnel at ₱15.2 billion para military o uniformed personnel.

Mayroon ding inilaang ₱8.9 billion para sa cash gift ng 1.7 million civilian at military at uniformed personnel.

Facebook Comments