YEAR-END MESSAGE | Post ni Nadine Lustre sa Instagram, binatikos

Showbiz – “Bye Felicia” – yan ang say ng aktres na si Nadine Lustre kasabay ng pagsalubong niya sa taong 2018.
Sa kanyang instagram post noong December 31, sinabi ng aktres na iniiwan na niya ang lahat ng nega, fake at mga non-sense na isyung kinasangkutan niya noong 2017.
At kahapon nang sundan niya ito ng post na “c’mon guys. It’s 2018.”
Hulyo nang masangkot sa kontrobersya si Nadine dahil sa umano’y pagli-live in nila ng boyfriend na si James Reid.
Inamin ito ng aktres pero giit niya, hindi naman na bago sa panahon ngayon ang pagli-live in ng magkasintahan.
Katunayan aniya, may mga magkasintahan na mas bata pa nga raw sa kanila ang nagsasama na rin sa iisang bahay.
Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens kung saan may mga nagtaray at may iba rin namang natuwa sa pagiging totoo ni Nadine.

Facebook Comments