Yellow alert, itinaas sa lahat ng emergency team sa Pasig City

60

Itinaas sa yellow alert status ang lahat ng emergency team sa Pasig City kasunod ng nangyaring lindol kaninang alas-5:12 ng hapon.

 

Dahil dito, mananatiling naka-alerto ang lahat ng mga personnel Pasig City Disaster Risk Reduction Management Office kung saan naka-antabay din ang lahat ng kanilang mga kagamitan.


 

Tututok din sila sa pagmo-monitor sa iba’t-ibang sulok ng naturang syudad at maglalabas din sila ng mga report o update kada kalahating oras.

 

Samantala, wala naman naitalang anumang damages sa San Juan City habang patuloy din nakamonitor ang lokal na pamahalaan mg marikina kung saan nagsasagawa ng assesment ang Mandaluyong City Government.

Facebook Comments