Yellow Alert, posibleng mangyari bago at pagkatapos ng eleksyon sa Mayo

Inihayag ng Department of Energy (DOE) na posibleng magkaranas ng Yellow Alert o pagnipis sa reserbang kuryente ang Luzon power grid bago o pagkatapos ng May 9, 2022 elections.

Ayon kay DOE-Electric Power Industry Management Bureau Director Mario Marasigan, batay sa ginawa nilang simulation nasa anim na potensyal na yellow alert ang maranasan sa Luzon Grid bago at pagkatapos ng halalan.

Nasa 18 naman ang yellow alert sa Visayas Grid habang walang nakikitang aberya sa Mindanao Grid.


Nilinaw naman ni Marasigan na walang magiging problema o aberya sa supply ng kuryente sa mimsong araw ng eleksyon.

Tiniyak din ni Marasigan na mayroon silang contingency measures para dito at iba pang paghahanda.

Kabilang na rito ang testing at commissioning ng GNPower Dinginin Unit 2 plant na may available capacity na 668 Megawatts ngayon buwan.

Gayundin ang pagpapaliban ng preventive maintenance shutdowns ng ilang hydropower facilities.

Facebook Comments