Inalis na nitong 1:00 P.M. ng National Grid Corporation (NGCP) ang itinaas na Yellow Alert status sa Luzon grid.
Ayon sa NGCP, ang maagang pag-alis sa Yellow Alert status ay bunsod ng pagbaba ng forecasted demand at sa delay ng shotdown ng SCPC-1.
Ang Yellow Alert ay inilalabas sa tuwing ang operating margin ay kulang upang maabot ang transmission grid’s contingency requirement.
Unang inilagay sa Yellow Alert status ng NGCP ang luzon grid para sana ngayong 1:00 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi.
Facebook Comments