Wala nang bisa ang yellow at blu cards ng mga residente ng 10 “EMBO” barangays na inilipat sa Taguig mula sa Makati City.
Epektibo ito simula noong Enero 1.
Ibig sabihin, hindi na ma-a-avail ng mga yellow card holder ang mga health care benefit at discounts na natatamasa nila noon bilang mga residente ng Makati City.
Maaari pa ring gamitin ang yellow cards ng EMBO residents na empleyado pa rin ng lungsod.
Ayon sa Makati Local Government Unit, gustuhin man nilang panatilihing bukas ang mga health center at lying-in sa 10 EMBO barangays ay expired na ang license to operate ng mga ito at kailangan nang isara.
Habang wala na ring bisa ang blu cards ng mga senior citizen na ginagamit naman para makakuha ng cash benefits.
Pero pwede pa ring gamitin ng mga senior citizen ang kanilang makatizen card bilang valid ID at debit card.