Yellow at red alert, itinaas na naman sa Luzon Grid ngayong maghapon

Itinaas na naman ang yellow at red alert sa Luzon Grid ngayong maghapon dahil pa rin sa manipis na reserbang kuryente.

Nabatid na aabot sa 10,371 Megawatts ang peak demand ngayong araw habang nasa 10,830 Megawatts lang ang available capacity para sa Luzon.

Ipinatupad ang yellow alert kaninang alas 9:00 ng umaga na tatagal hanggang mamayang ala 1:00 ng hapon.


Muli itong iiral mamayang alas 4:00 hanggang alas 5:00 ng hapon at alas 6:00 hanggang alas 9:00 ng gabi.

Habang ang red alert ay mula mamayang ala una hanggang alas kwatro ng hapon.

Facebook Comments