‘YELLOW BLDG’; NA NAKATIRIK SA LUPA NG LGU BAYAMBANG, GIGIBAIN PARA SA KARAGDAGANG PARKING SPACE

Nakatakdang gibain sa September 21 ang gusaling nakatirik sa lupang pagmamay-ari ng munisipyo ng Bayambang upang bigyang daan ang pagkakaroon ng karagdagang parking space sa lugar.

 

Ayon sa lokal na pamahalaan, walang kaukulang pahintulot at wala naman umanong umaangkin o lumalantad na lehitimong may-ari ng nasabing istraktura o gusali.

 

Sa pamamagitan nito, mapapakinabangan ng mga motorista bilang paradahan ng kanilang mga sasakyan ang espasyo habang nagagamit nang maayos ang lupang sakop ng lokal na pamahalaan.

 

Nasa labing limang tenants na nangungupahan ng pwesto sa gusali ang apektado ngunit inilipat na ang mga ito sa bagong gusali sa pamilihang bayan.

 

Bagaman nagkaroon ng espekulasyon ang ilang residente sa ipapatayong istruktura sa mababakanteng espasyo, iginiit na uunahing resolbahin ang isyu ng parking sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments