Yellow cards para sa mga darating na OFW sa bansa, sisimulan na

Magpapalabas na ng yellow cards ang gobyerno para sa mga darating na Overseas Filipino Worker (OFW) na nakakumpleto na ng bakuna o yung mga fully vaccinated.

Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), ito ay ang International Certificate of Vaccination (ICV) o mas kilala bilang yellow card.

Para naman sa mga Pilipinong magtutungo sa ibang bansa na nakakumpleto na ng bakuna, maaari itong makuha sa pamamagitan ng pag-aaply sa Bureau of Quarantine (BOQ).


Epektibo ang yellow card hanggang opisyal nang magsimula ang Certificate of Vaccination Record Portal.

Nagkakahala ang ICV ng P300 na maaaring makuha online sa pamamagitan ng appointment sa Medical Services OBS platform ng BOQ.

Facebook Comments