Mas paiigtingin ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang implementasyon ng yellow lane policy sa EDSA.
Ayon kay MMDA Operations Chief at EDSA Traffic Czar Bong Nebrija, ito ay para masolusyunan ang sikip ng trapiko sa EDSA.
Kapag nanatili ang mga bus sa yellow lane, magkakaroon aniya ng maayos na daloy ng trapiko sa EDSA.
Giit naman ni MMDA General Manager Jojo Garcia, na bukod sa mga bus driver na hindi nananatili sa yellow lane isa pang problema ang mga city bus na ginawang terminal ang loading at unloading base ng mga bus.
Kasabay nito, humingi naman ng pang-unawa si Nebrija sa publiko dahil sa ipatutupad na istrikong polisiya sa EDSA.
Facebook Comments