Yeng Constantino, binatikos ng netizens dahil sa kaniyang ‘Doctor-Shaming’ vlog

via Yeng Constantino on Youtube

Umani ng batikos sa mga netizen ang vlog post na inilabas ni Yeng Constantino sa Youtube tungkol sa ‘Doctor Shaming’.

Sa kaniyang vlog, ibinahagi ni Yeng ang naging karanasan ng asawa na si Yan Asuncion sa isang lokal na ospital sa Siargao.

Aniya, na-aksidente si Yan matapos mag-dive sa isang cliff diving spot sa Sugba Lagoon.


Mapapanood sa video ang mga staff member kasama ang pangalan ng doktor na in-charge sa kondisyon ng asawa.

Ayon kay Nica Jaucian, nakita niya ang pangyayari sa ospital kung saan na-admit si Yeng at Yan.

Ipinaliwanag niyang ginawa lahat ng doktor ang makakaya upang maasikaso lahat ng pasyente sa ospital. Hindi raw totoo na pinapabayaan lamang ang asawa ni Yeng.

Ani pa ng ibang netizens, hindi tama na i-shame ang isang doktor dahil nag-oath o nangako ang mga ito sa batas at Diyos na isasalba nila ang buhay ng tao kahit ano pa man ang mangyari.

Matatandaan na ipinost ni Yeng tatlong araw ang nakakaraan sa nangyari sa kaniyang Instagram.

https://www.instagram.com/p/B0Fed1qH5H5/?utm_source=ig_embed

Nag-trending naman sa Twitter ang #NoToDoctorShaming dahil sa vlog post ni Yeng. Depensa ng netizens, mahirap maging health care professional at marami ngang pagkukulang sa mga facility na dapat pagtuunan ng pansin sa mga komunidad ng probinsya.

Samantala, mayroong Doctor-Shaming Law sa bansa kung saan nasa Artikulo 355 o Revised Penal Code of the Philippines (Act No. 3815) na pinagbabawal ang libel ng kahit ano pa mang pagsusulat, potograpiya o paglilimbag na may kinalaman sa cyber bullying.

Panoorin ang kabuuan ng video:

https://www.youtube.com/watch?v=9HlFGB6dlj8

Sa kasalukuyan ay mayroon itong 1,180,000 views sa Youtube.

Facebook Comments