Sa pamamagitan ng social media, humingi ng paumanhin si Yeng Constantino sa doktor at medical staff na kanyang binatikos matapos maaksidente ang asawa sa Siargao, Surigao del Norte.
Ayon sa mang-aawit, nadala siya ng emosyon kaya nakapagbitiw ng hindi magagandang salita.
Dagdag pa ni Yeng, napagtanto niya ang epekto ng kanyang ginawa nang kausapin ang mga taong malapit sa kaniya.
Aniya, dapat sumailalim sa tamang proseso ang kaniyang reaksyon nang mangyari ang insidente. Tinanggal na din niya ang post at vlog kung saan ipinapakita ang pagkadismaya at reklamo sa mga medical personnel.
Naging mainit sa publiko si Yeng matapos i-upload sa Youtube ang vlog kung saan kinukundena nito ang ilang medical staff at kakulangan ng pasilidad sa mga ospital ng Siargao.
Sumama umano ang pakiramdam ng mister na si Yan Asuncion nang mag-cliff diving sa isang lagoon ng patok na tourist destination sa Mindanao.
Narito ang kabuuang Facebook post ni Yeng:
Hati naman ang reaksyon ng netizens ukol sa paghingi ng tawad ni Yeng.
“Doesn’t remove the fact that you broke the law. You have accountability more than an apology.”
“Nasa huli ang pgsisisi. Dra. and Hospital dapat kasuhan yan si Yeng.”