"YES, SUPER I DO!" | Ai-Ai Delas Alas at Gerald Sibayan, kasal na!

Manila, Philippines – Hindi lang “I do” pero isang malakas na “Yes, super I do!” Ang naging sagot ng comedian actress na si Ai-Ai Delas Alas sa kasal nila ni Gerald Sibayan.

Alas 10:00 kaninang umaga nang mag-isang dibdib sina Ai-Ai at Gerald sa Christ The King church sa Green Meadows, Quezon City.

Bago maglakad papuntang altar, nakapikit ang mga mata ng aktres na tila ninanamnam ang wedding song nila na “Ngayon at Magpakailanman” na live na kinanta ni Martin Nievera.


Naiyak sa sobrang saya si Ai-Ai matapos na matupad ang kanyang dream church wedding.

Kabilang sa principal sponsors sina former Vice President Jejomar Binay, Senator Richard Gordon, Atty. Felipe Gozon, Marivin Arayata, Lolit Solis at Tony Tuviera ng APT Entertainment habang hindi nakapunta sina Lipa City Rep. Vilma Santos-Recto, Boy Abunda, Willie Revillame at Cristy Fermin.

Star studded din ang kasal kung saan kabilang sa mga dumalo sina Sharon Cuneta bilang matron of honor at secondary sponsors na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, Vic Sotto at Pauleen Luna, Randy Santiago at Marilou Coronel, Piolo Pascual, Pops Fernandez, Eugene Domingo, Jose Manalo, Barbie Forteza, Valeen Montenegro, Jerald Napoles, at ang bestman na si Alden Richards.

Facebook Comments