YES to Bangsamoro Organic Law – Gov. Mangudadatu

Kaisa ako ng Bangsamoro ! ito ang inihayag ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu sa isinusulong na Bangsamoro Organic Law.

Kaugnay nito hinihikayat nito ang lahat ng kanyang mga kababayan na suportahan ito sakaling tuluyang malagdaan na ni Pangulong Rody Duterte.

Hinimok rin nito ang lahat ng mga taga lalawigan lalo na ang mga myembro ng Moro Islamic Liberation Front na magparehistro para naman makatulong sakaling simulan na ang gagawing plebisito.


Positibo naman si Governor Toto na magiging malaking tulong sa karamihan lalong lalo na sa mga Bangsamoro ang itatatag na bagong gobyerno sa Bangsamoro Homeland.

Ang pahayag ng Gobernador ay kanyang ginawa kasabay ng Inagurasyon ng bagong tanggapan ng DPWH Maguindanao 2nd District Office sa bayan ng Buluan kahapon.

Facebook Comments