Mahigit isang milyong boto na ang lamang ng Yes votes kontra sa NO votes sa isinagawang plebisito ng Bangsamoro Organic Law.
Sa pinakahuling resulta ng canvassing ng regional plebiscite board of canvassers, mayroon ng 1 million, 388 thousand, 299 votes ang YES.
188 thousand, 853 naman ang NO votes.
Ang nasabing bilang ay mula sa mga certificates of canvas mula sa Maguindanao, Lanao del Sur, Sulu at Basilan.
Sa apat na lalawigan na tapos ng ma-canvass ang boto, tanging sa Sulu lumamang ang No vote o hindi pabor sa pagpapatibay ng Republic Act number 11054.
Facebook Comments