“You do note” girl nakaharap sina Cassie at Marga ng Kadenang Ginto

5891
Screenshot via ABS-CBN Gandang Gabi Vice

Personal nang nakita ng tinaguriang “You Do Note” girl ang mga batang bida sa afternoon series na “Kadenang Ginto”.

Sa ipinalabas na teaser ng “Gandang Gabi Vice”, makikitang guest nila ang batang nasa viral video kasama sila Andrea Brillantes, Francine Diaz, Seth Fedelin at Kyle Echiverri o kilala bilang “Gold Squad”.


Hindi din nagpahuli sa aktingan ang batang babae sa mga komedyanteng bisita sa set.

Kinagiliwan ng publiko si “You Do Note” girl dahil sa nakatatawang panggagaya nito sa ilang eksena nina Cassie, Marga, at Daniela.

Pumatok sa social media ang mga linyang: “You do not the liar is mah peyk, is da Cassie, im peyk. Hindi siya mukhang dragon” at “Cassie hindi ka muna papasok sa iskol”

Ngayon pa lamang, inaabangan ng fans ang guesting ni “You Do Note” girl.

Mapapanood ang nasabing episode sa darating na Linggo ng gabi.

Facebook Comments