Young actress na si Loisa Andalio, inaming may pinagdadaanang problema ngayon pandemya

158

Naging emosyonal ang aktres na si Loisa Andalio nang ilahad ang mga pinagdadaanan ngayong may pandemya.

Sa isang interview, inamin ng 21-years old actress na “hindi siya ok deep inside at sobrang nahihirapan matapos na mawalan ng trabaho”.


Say ni Loisa, bilang breadwinner at inaasahan ng kanyang pamilya, kailangan niyang maging matatag at ipakita na okay lang ang lahat kahit hindi ito totoo.

Mabuti na lang at laging nasa tabi ang boyfriend na si Ronnie Alonte na tumutulong sa mga pinagdaraanan niya ngayon sa buhay.

Inamin din ng aktres na sa pananampalataya na lang sa Diyos siya ngayon kumakapit at umaasang magiging maayos din ang lahat.

Nabatid na hanggang ngayon ay wala pa ring project si Loisa matapos na mawalan ng trabaho kasunod ng pasasara ng kanyang mother network.




Facebook Comments