Nananatiling steady ang paggamit ng internet ng nakararaming Pilipino.
Base sa first quarter 2019 survey ng Social Weather Stations (SWS), nasa 46% ang respondents ang nagsasabing gumagamit sila ng internet.
Ito ay “statistically similar” sa record-high na 47% noong December 2018 survey.
Mas maraming babae ang gumagamit ng internet na nasa 50% kumpara sa mga lalaki na nasa 41%.
Ang mga young and educated Filipinos (18-24 years old) ang mas gumagamit ng internet, 25-34 years old (71%), 35-44 years old (55%), 45-54 years old (30%) at 55 years old pataas (14%).
Lumalabas din na 79% ng mga internet user ay college graduates, high school graduates (58%), elementary graduate (33%), habang 11% sa non-elementary graduates.
Mas maraming internet users sa urban areas na nasa 56% kumpara sa rural areas na nasa 38%.
Ang survey ay isinagawa mula March 28 hanggang 31, 2019 sa 1,440 respondents sa pamamagitan ng face-to-face interviews.